malay naten diba masanay din ako na hindi ka na makausap, yung makasanayan ko narin masakatan. haha. ewan ko, nitong mga nakaraang araw parang deadma nalang ako sayo. parang wala nga lang ako e. na-realize ko hindi na pala talaga ako ganun ka importante at busy ka talaga. sabi ko naman sayo naiintindihan kita kaya wag mo iisiping galit ako. :) okay lang ako. masasanay din naman ako e. yaan mo di na muna ko magpaparamdam mas okay pa ata yun e. kakayanin kong tiisin ka. sorry kailangan talaga. haha. basta sana di ako magsawa, sa ngayon pakiramdam ko naman hindi pa eh. sana pag dating ng ilang buwan hindi parin ako magsawa. :) kahit ganito, alam naman nateng dalawa yung totoo eh. :)